Amerika, pormal nang tumalikod sa Treaty on Open Skies

2020-11-23 16:22:37  CMG
Share with:

Isiniwalat, Nobyembre 22, 2020 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, ang pormal na pagtalikod ng bansa sa Treaty on Open Skies.
 

Matatandaang noong nagdaang Mayo, sinabi ng nasabing kagawaran, na hindi angkop sa kapakanan ng Amerika ang pagiging kasapi nito sa Treaty on Open Skies, at kung hindi muling ipapatupad ng Rusya ang kasunduan, tatalikod dito ang Amerika matapos ang 6 na buwan.
 

Nilagdaan ang Treaty on Open Skies noong 1992, at nagkabisa ito simula noong 2002.
 

Ang naturang kasunduan ay mahalagang hakbangin sa pagtatatag ng pagtitiwalaan pagkatapos ng Cold War.
 

Nakakabuti ito sa pagpapataas ng transparency at pagpapababa ng panganib sa pagsasagupaan.
 

Sumapi sa kasundan ang Amerika, Rusya at karamihan ng mga bansa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
 

Salin: Vera

Please select the login method