Tangka ng ilang Amerikano na simulang muli ang cold war, tiyak na mabibigo—Ministring Panlabas ng Tsina

2020-11-20 15:56:47  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Office of Policy Planning ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang dokumentong pinamagatang “The Elements of the China Challenge,” kung saan inilista ang sampung tungkuling kailangang ipatupad ng Amerika upang harapin ang pag-ahon ng Tsina.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes, Nobyembre 19, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina sa preskon sa Beijing, na ang dokumentong ito ay isa pang koleksyon ng mga kasinungalingan kontra Tsina na niluto ng ilang “living fossils ng Cold War” sa Kagawaran ng Estado ng Amerika. Lubos itong nagbubunyag ng kaisipan ng Cold War at pagkiling na ideolohikal ng ilang Amerikano, at ng kanilang takot sa walang humpay na paglaki ng Tsina.
 

Dagdag ni Zhao, tiyak na mabibigo ang kanilang tangkang simulang muli ang Cold War.
 

Salin: Vera

Please select the login method