CMG Komentaryo: Artipisyal na kapahamakan sa Amerika, palubha nang palubha

2020-11-20 16:42:53  CMG
Share with:

Hindi makontrol ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika. Noong nagdaang linggo, lampas na sa 160,000 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso sa Amerika sa loob ng isang araw, at ito ay tumaas ng 77% kumpara sa karaniwang lebel noong nagdaang 2 linggo.
 

Hanggang noong Nobyembre 18, lumampas na sa 250,000 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa COVID-19 sa Amerika.
 

Hanggang noong nagdaang linggo, nagpositibo ang resulta ng pagsusuri sa coronavirus ng halos 1.04 milyong bata at kabataang Amerikano.
 

Pero sa mata ng ilang pulitikong Amerikano, ang kapakanang pulitikal ang tanging pinahahalagahan nila.
 

Sa social media platform, muling tinawag kamakailan ng lider na Amerikano ang coronavirus bilang “China plague,” at tinangkang muling ibaling sa Tsina ang pananagutan ng kani-kanilang kabiguan sa pagkontrol sa pandemiya.
 

Pinakamaagang ipinaalam ng Tsina ang kalagayan ng epidemiya sa World Health Orgnaization (WHO), pero hindi ito nangangahulugang sa Tsina ay nagmula ang epidemiya.
 

Parami nang paraming impormasyon at imbestigasyon ang nagpapakitang natuklasan sa maraming bansa ng daigdig ang bakas ng coronavirus, at mas maagang natuklasan ng ilang bansa ang coronavirus kaysa Tsina.
 

Ang pinagmulan ng virus ay isang siyentipikong isyu, at ang konklusyon tungkol dito ay dapat gawin ng mga siyentipiko’t dalubhasang medikal, pagkatapos ng masusing imbestigasyon. Walang karapatan ang sinuman na isapulitika ang isyu ng paghahanap ng pinanggalingan ng virus, at hindi dapat din markahan ang virus.
 

Salin: Vera

Please select the login method