Pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, makakabuti sa inobasyong digital

2020-11-24 16:06:38  CMG
Share with:

Inilabas nitong Lunes, Nobyembre 23, 2020 ng World Trade Organization (WTO) ang “World Trade Report 2020: Government policies to promote innovation in the digital age.”
 

Tinukoy ng ulat na ang pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig ay makakabuti sa pagpapataas ng episiyensiya ng patakaran sa inobasyong digital, at pagpapatingkad ng positibong bisa ng mga patakaran sa pinakamalaking digri.
 

Anang ulat, sapul nang pandaigidgang krisis na pinansyal, itinakda ng halos 115 bansa’t rehiyon ang patakaran sa bagong industriya at estratehiya sa pag-unlad ng digitalization. Sa pamamagitan ng pagpapasigla ng pag-a-upgrade at inobasyon ng teknolohiya, pinapasulong nila ang digital na produksyon at serbisyo, at sinusuportahan ang transisyon tungo sa digital economy.
 

Salin: Vera

Please select the login method