Ayon sa datos mula sa Ulat ng Pag-unlad ng Internet ng Tsina sa 2020, noong isang taon, umabot sa 35.8 trilyong Yuan RMB ang saklaw ng digital economy ng Tsina na katumbas ng 36.2% ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa.
Nangunguna sa buong daigdig ang kabuuang saklaw at bahagdan ng paglaki ng digital economy ng Tsina.
Bukod dito, noong isang taon, 5.44 milyon ang kabuuang bilang ng mga 5G base stations. Hanggang noong nagdaang Setyembre ng kasalukuyang taon, lumampas na sa 480 libo ang bilang ng naitayong 5G base stations sa buong Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Mac