Pagpapalakas ng kakayahan ng hukbong Tsino, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2020-11-26 11:01:24  CMG
Share with:

Ipinagdiinan nitong Miyerkules, Nobyembre 25, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat palakasin ng hukbong Tsino ang pagsasanay militar sa ilalim ng real combat conditions, at pataasin ang kakayahan sa pagtatagumpay sa mga digmaan.

Pagpapalakas ng kakayahan ng hukbong Tsino, ipinagdiinan ni Xi Jinping

Winika ito ni Xi, na siya ring Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC), sa isang pulong ng CMC tungkol sa pagsasanay militar.
 

Diin niya, sa kasalukuyan, nagaganap ang mga pagbabago sa kapaligirang panseguridad, situwasyon ng taktikang pang-militar, misyon ng hukbong Tsino, porma ng modernong digmaan, at target ng modernisasyon ng tanggulang bansa at mga hukbo, kaya pumasok na sa bagong yugto ang pagsasanay militar ng hukbong Tsino.
 

Hiniling din niyang dapat magpunyagi para mapataas ang kakayahan ng hukbo sa magkasanib na operasyon, mapalakas ang karunungang pansiyesiya’t panteknolohiya ng mga opisyal at sundalo, at pabilisin ang pag-a-upgrade ng pagsasanay militar.
 

Salin: Vera

Please select the login method