Dalawang bahagi ng Chang'e-5 probe, handa na para lumapag sa ibabaw ng Buwan

2020-11-30 10:56:02  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ngayong araw, Lunes, ika-30 ng Nobyembre 2020, ng China National Space Administration (CNSA), humiwalay 4:40am (Beijing time), ang lander at ascender ng Chang'e-5 lunar probe mula sa orbiter at returner, upang hintayin ang perpektong sandali para lumapag sa ibabaw ng Buwan.

 

Ayon pa rin sa CNSA, inaasahang matatapos sa loob ng tatlong araw ang paglapag.

 

Pagkaraang lumapag, kukunin ng lander at ascender ang dalawang kilong sample ng lupa at bato mula sa Buwan.

 

Sa panahong ito, mananatiling lumilipad sa paligid ng Buwan ang orbiter at returner ng Chang'e-5, at hihintayin nito ang pagbalik ng ascender lulan ang naturang mga specimen.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method