Australia, dapat humingi ng tawad sa Afghanistan — Tsina

2020-12-01 11:27:15  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsasapubliko sa Twitter ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ng cartoon na nagpapakita ng pagpaslang ng tropang Australyano sa batang Afghani, hiniling ni Punong Ministro Scott Morrison ng Australia sa panig Tsino na humingi ng paumanhin.
 

Bilang tugon, tinukoy nitong Lunes, Nobyembre 30, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang bagay na dapat gawin ngayon ng pamahalaang Australyano ay malalim na pagsisihan at parusahan  ang may kasalanan. Bukod dito, dapat aniyang humingi ang pamahalaang Australyano ng pormal na paumanhin sa mga mamamayang Afghani, at dapat ding mangako   sa komunidad ng daigdig na hindi kailanman muling gagawin ang katulad na karumal-dumal na krimen.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method