Karaniwang sahod ng maraming bansa, bumaba o bumagal ang paglaki dahil sa COVID-19-- International Labor Office

2020-12-03 16:26:14  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas nitong Miyerkules, Disyembre 2, 2020 ng International Labor Office (ILO), dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), bumaba o bumagal ang paglaki ng karaniwang sahod ng mga manggagawa sa 2/3 ng mga bansa sa daigdig noong unang 6 na buwan ng 2020.
 

Ayon pa sa ulat, posibleng ibunsod ng krisis ng COVID-19 ang napakalaking presyur ng pagbaba sa lebel ng karaniwang sahod.
 

Kaugnay nito, sinabi ni Guy Ryder, Direktor Heneral ng ILO, pinasidhi ng pandemiya ang di-pagkakapantay-pantay, at posible itong humantong sa karalitaan at kawalang katatagan ng lipunan at kabuhayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method