Ang taong 2020 ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN), at ika-5 anibersaryo rin ng pagkakatayo ng China-UN Peace and Development Fund.
Nitong nakalipas na 5 taon, 100 milyong dolyares ang inilaan ng Tsina, para sa 95 proyekto sa larangan ng kapayapaan, seguridad at kaunlaran.
Nakikinabang dito ang mahigit 100 bansa’t rehiyon sa Asya, Aprika, Latin-Amerikano, at Oceania.
Puspusang pinasulong ng nasabing pondo ang kapayapaan, seguridad at usaping pangkaunlaran ng Aprika.
Bukod pa riyan, malaking tulong ang pondong ipinagkaloob ng Tsina sa 10 proyektong may direktang kinalaman sa larangan ng kapayapaan at seguridad ng mga bansang Aprikano.
Ang pagtatayo ng China-UN Peace and Development Fund ay ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa panahon ng kanyang pagdalo sa isang serye ng summit bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN noong 2015.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinatigan ng Tsina ang mga gawain ng UN, sa pamamagitan ng porma ng pondo.
Nagsilbi itong bagong plataporma ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at UN.
Salin: Vera