Kaugnay ng palihim na pagpatay nitong Biyernes, Nobyembre 27, 2020 sa Teheran kay Mohsen Fakhri Zadeh, siyentistang Iranyo, nananawagan nang araw ring iyon ang tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa iba’t-ibang panig na panatilihin ang pagtitimpi para maiwasan ang paglala ng situwasyon sa rehiyong Gitnang Silangan.
Sa isang liham na ipinadala nang araw ring iyon ng pirmihang kinatawan ng Iran sa UN sa Pangkalahatang Kalihim ng UN at tagapangulo ng UN Security Council sa kasalukuyang buwan, ipinahayag niya ang pag-asang mahigpit na kokondenahin ng UN ang naturang di-makataong teroristikong aksyon, at isasagawa ang kinakailangang hakbang sa mga may kagagawan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio