Ayon sa China National Space Administration, naglift-off o lumipad mula sa surface o ibabaw ng Buwan, kahapon ng hatinggabi, Huwebes, ika-3 ng Disyembre 2020, ang ascender ng Chang'e-5 probe, at pagkaraan ng halos 6 na minuto, matagumpay itong pumasok sa nakatakdang lunar orbit.
Ito ang naging unang pagkakataon ng paglulunsad ng Tsina ng spacecraft sa labas ng Mundo.
May lulang kauna-unahang mga sample ng lupa at bato ng Buwan, dadaong ang ascender sa orbiter ng Chang'e-5. Ililipat ang mga sample sa returner, para dalhin ang mga ito pabalik sa Mundo.
Salin: Liu Kai