Natupad na ang Tsina ang target ng pagpapahupa ng kahirapan sa bagong panahon, ayon sa takdang iskedyul.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pambansang pulong nitong Huwebes, Disyembre 3, 2020, sa Beijing.
Pagkaraan ng walong taong patuloy na pagsisikap, naiahon ng Tsina ang lahat ng mahihirap na mamamayan sa kanayunan mula sa karalitaan, sa ilalim ng kasalukuyang pamantayan. Kasabay nito, nalampasan ng lahat ng mga mahirap na county ng bansa ang kahirapan. Napawi rin ng bansa ang absolute poverty at regional poverty.
Aerial photo ng mga taga-nayon na nagpapatuyo ng mga bulaklak na chrysanthemum sa Jinxi Village, Xima Township, Longli County, Guizhou Province, Tsina, Oktubre 27, 2020. Dahil sa chrysanthemum industry, 166 mahirap na pamilya sa Jinxi Village ang nakaahon sa kahirapan noong 2019. (Xinhua/Yang Wenbin)
Diin din ng pulong, sa kasalukuyan, nahaharap din ang Tsina sa mga namumukod na problema dahil sa di-balanse at di-sapat na pag-unlad at masinop na tungkulin ng pagpapatatag ng mga natamong bunga ng pagpapahupa ng karalitaan.
Para rito, kailangang ipagpatuloy ang mga pinaiiral na patakaran at mga suporta’t tulong pinansyal.
Kasabay nito, kailangan din ng Tsina ang mekanismo ng pagmomonitor at pagbibigay-tulong para iwasan na muling malugmok sa kahirapan ang mga mamamayan.
Ipinagdiinan din ng pulong ang pagsisikap para matiyak ang matatag na hanapbuhay at mapasulong ang pagsasanay na bokasyonal para sa mga taong nakahulagpos sa karalitaan. Samantala, pasusulungin ang pagtutulungan sa pagitan ng mga di-maunlad na rehiyon sa kanluran at mga maunlad na rehiyon sa silangan ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac