Ascender ng Chang'e-5 probe, dumaong sa orbiter; mga sample, inilipat sa returner

2020-12-06 12:16:19  CMG
Share with:

Ascender ng Chang'e-5 probe, dumaong sa orbiter; mga sample, inilipat sa returner

Isiniwalat ngayong madaling araw, Linggo, ika-6 ng Disyembre 2020 ng China National Space Administration (CNSA), na matagumpay na dumaong ang ascender ng Chang'e-5 probe sa orbiter at returner sa lunar orbit.

 

Ito ang kauna-unahang pagdaong ng spacecraft ng Tsina sa lunar orbit.

 

Ayon pa sa CNSA, mula ascender, inilipat sa returner ang 2 kilong sample ng lupa at bato na nakolekta mula sa Buwan.

 

Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang perpektong sandali para bumalik ang returner sa Mundo.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method