Presyo ng mga bilihin at produksyong industriyal ng Tsina, kapuwa matatag

2020-12-10 16:30:13  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Miyerkules, ika-9 ng Disyembre 2020, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, bumaba ng 0.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina noong Nobyembre 2020.

 

Ayon sa nasabing kawanihan, ang pagbaba ng CPI ay dahil sa pagbaba ng presyo ng mga pagkain, lalung-lalo na ng presyo ng karne ng baboy na minsang naging ubod ng taas.

 

Samantala, ang core CPI, kung saan hindi kabilang ang presyo ng mga pagkain at enerhiya, ay lumaki naman ng 0.5%.

 

Ibig sabihin, matatag ang presyo ng mga bilihin sa Tsina, dagdag ng naturang kawanihan.

 

Ayon pa rin sa estadistika, ang Producer Price Index (PPI) ng Nobyembre ay lumaki ng 0.5% kumpara noong Oktubre.

 

Ipinakikita nito ang matatag na pagpapanumbalik ng produksyong industriyal ng Tsina, at tuluy-tuloy na pagbangon ng pangangailangan sa pamilihan.

 

Salin: Liu Kai

 

 

Please select the login method