Mahigit 1/3 ng kabuuang bolyum ng kabuhayang pandaigdig sa 2021, ambag ng Tsina -pagtaya ng OECD

2020-12-03 13:48:32  CMG
Share with:

Isinapubliko nitong Martes, Disyembre 1, 2020 ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ang pinakahuling ulat ng pagtanaw sa kabuhayang pandaigdig.
 

Tinukoy ng nasabing ulat na ang Tsina ay mananatili pa ring siyang tanging pangunahing ekonomiya na may paglago ng kabuhayan sa kasalukuyang taon.
 

Anang ulat, hanggang katapusan ng susunod na taon, may pag-asang babalik ang kabuhayang pandaigdig sa lebel bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at tinatayang mahigit sa 1/3 ng kabuuang bolyum ng paglago ng kabuhayang pandaigdig sa taong 2021ang magmumula sa Tsina. 
 

Tinaya rin ng ulat na sa epekto ng pandemiya ng COVID-19, mababawasan ng 4.2% ang kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon. Ang nasabing pagtaya ay mas mainam kumpara sa nagdaang 2 pagtaya noong Hunyo at Setyembre.
 

Ipinalalagay ng ulat na ang pagdedebelop at paggamit ng bakuna sa COVID-19 sa hinaharap at tuluy-tuloy na pagpapabilis ng pagbangon ng kabuhayang Tsino ay makakapagpasigla ng kompiyansa ng pamilihan, at makakapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Sa darating na 2 taon, aabot sa humigit-kumulang 4% ang karaniwang paglago ng kabuhayang pandaigdig.
 

Salin: Vera

Please select the login method