Manufacturing PMI ng Tsina, nananatili sa positibong bahagdan nitong nakalipas na siyam na buwang singkad

2020-11-30 17:03:27  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Lunes, ika-30 ng Nobyembre 2020, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, nasa 52.1 ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng bansa sa mga sektor ng manupaktura sa buwan ng Nobyembre.

 

Ang bilang na ito ay mas mataas nang 0.7 kumpara sa datos noong nagdaang Oktubre, at nananatili sa positibong bahagdan, nitong nakalipas na siyam na buwang singkad.

 

Ipinakikita nito ang bumibilis na pagbangon ng sektor ng manupaktura ng Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method