Wall Street Journal: pagbangon ng kabuhayang Tsino, lumalawak

2020-12-17 15:16:14  CMG
Share with:

Sa artikulong inilathala kamakailan ng website ng Wall Street Journal ng Amerika, tinukoy nitong noong nagdaang Nobyembre, nagsimula ang komprehensibong pagbangon ng ekonomikong aktibidad ng Tsina.
 

Anito pa, mayroong mas matibay na pundasyon ang pagbangon ng kabuhayan ng ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
 

Anang ulat, noong nagdaang buwan, pawang mabilis na lumago ang mga pangunahing economic indicator ng Tsina na gaya ng industrial output, pamumuhunan at konsumo, bagay na nakapagpasulong sa paglaki ng hanap-buhay, at nakapagpababa ng unemployment rate.
 

Sinipi ng ulat ang pag-aanalisa ng ekonomista ng Standard Chartered PLC na nagsasabing, sanhi ng credit-easing policy at malakas na pangangailangan sa pagluluwas, patuloy na pinagtipun-tipon ng kabuhayang Tsino ang lakas-panulak noong Nobyembre.
 

Ayon sa pagtaya ng Standard Chartered PLC, lalago ng 5.5% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon ang kabuhayang Tsino sa huling kuwarter ng taong ito: pero posibleng mas mataas kaysa inaasahan ang aktuwal na paglago ng kabuhayang Tsino, batay sa magandang datos noong Oktubre at Nobyembre.
 

Salin: Vera

Please select the login method