OECD: Malakas na pagbangon ng kabuhayan, nakikita sa mga bansa ng G20 sa Q3 ng 2020

2020-12-15 14:35:43  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas kahapon, Lunes, ika-14 ng Disyembre 2020, ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), noong ikatlong kuwarter ng taong ito, ang kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng mga bansa ng G20 ay mas malaki nang 8.1% kumpara sa halaga noong ikalawang kuwarter ng taong ito.

 

Anang ulat, ipinakikita nito ang malakas na pagbangon ng kabuhayan sa naturang mga bansa.

 

Pero, ayon pa rin sa ulat, kung ihahambing sa halaga noong ikatlong kuwarter ng 2019, bumaba naman ng 2% ang kabuuang GDP ng mga bansa ng G20.

 

Kabilang dito, ang Turkey at Tsina lamang ang mga bansang nagkaroon ng paglaki ng GDP, at ang bilang ng paglaki ay 5.4% at 4.9%,

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method