Layon ng pagkuha ng sample mula sa Buwan na pag-aralan ang hinggil sa pagsisimula at pagbabago ng Buwan.
Ito ang ipinahayag ni Wu Yanhua, Pangalawang Puno ng China National Space Administration (CNSA), sa preskon ngayong hapon, Huwebes, Disyembre 17, sa Beijing, Tsina
Dagdag pa ni Wu, ayon sa pandaigdig na kombensyong pangkooperasyon, ibabahagi ng Tsina sa mga siyentistang dayuhan ang datos at lunar samples na kinuha ng Chang’e-5 Lunar probe.
Si Wu ay nagsisilbi ring Pangalawang Punong Komander ng China Lunar Exploration Program.
Naka-uwi ngayong madaling araw sa planetang Mundo ang Chang'e-5 lunar probe na may dalang dalawang kilong sample mula sa Buwan.
Ani Wu, ayon sa pandaigdig na norma, itatanghal din ng Tsina ang bahagi ng mga sample sa Pambansang Museo para sa publiko.
Bukod dito, isinasaalang-alang din aniya ng Tsina na gagawing pambansang regalo ang ibang bahagi ng nasabing lunar sample.
Sinabi pa ni Wu, pagkaraan ng matagumpay na misyon ng Chang’e-5, ipagpapatuloy ng Tsina ang ikaapat na yugto ng Lunar Exploration Program at mga program ng paggagalugad sa iba pang mga planeta na gaya ng Mars, Jupiter at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio