Pagkaraan ng ilang linggong paglalakbay, naka-uwi na ngayong araw, Disyembre 17, 2020 sa planetang Mundo ang Chang'e-5 lunar probe ng Tsina.
Sa kauna-unahang pagkakataong sa loob ng apat na dekadang nakalipas, dala nitong pabalik ang dalawang kilong sample ng bato at debris mula sa Buwan.
Sa kanyang mensaheng pambati sa lahat ng mga miyembro ng misyon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang tagumpay ng Chang’e-5 mission ay nakapag-aambag sa pananaliksik ng sangkatauhan hinggil sa pagkakabuo ng Buwan at pagbabago ng Solar System.
Chang’e-5 lunar probe, lumapag sa itinakdang lugar sa Siziwang Banner sa Inner Mongolia Autonomous Region sa hilagang Tsina, 1:59 AM, Disyembre 17, 2020.
Ang Chang’e-5 probe na binubuo ng isang lander, isang ascender, isang orbiter at isang returner ay inilunsad noong Nobyembre 24. Pagkatapos, matagumpay itong dumating ng near side ng Buwan noong Disyembre 1, at nangolekta ng mga sample mula sa ibabaw at ilalim ng Buwan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio