Kasabay ng pagpasok ng taglamig at paglapit ng panahon ng Pasko, mabilis ding kumakalat ang Corona Virus sa ilang lugar sa Britanya, bagay na ikinababahala ng mga tao.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pamahalaang Britaniko kung may kaugnayan o wala ang kalagayang ito sa panibagong anyo ng naturang virus.
Bukod dito, itinaas din sa ika-4 na lebel mula ika-3 ang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa London, at ibang bahagi sa dakong Timog Silangan at Silangan ng Inglatera.
Noong Disyembre 14, isinapubliko ng pamahalaang Britaniko ang paglitaw ng bagong anyo ng Corona Virus na tinatawag na “VUI-202012/01.”
Ayon naman sa ulat ng media ng Europa, ipinatalastas ng mga bansang gaya ng Alemanya, Pransya, Belgium, Holland, Italya, at Austria ang paglilimita sa pagpasok ng mga Britaniko sa kanilang bansa upang mapigilan ang pagkalagat ng pandemiya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio