Tsina, inilabas ang bagong listahan ng mga industriya kung saan pinasisigla ang pagpasok ng puhunang dayuhan

2020-12-29 16:12:01  CMG
Share with:

Inilabas kahapon, Lunes, ika-28 ng Disyembre 2020, ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma at Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang bagong listahan ng mga industriya kung saan pinasisigla ang pagpasok ng puhunang dayuhan.

 

Kung ihahambing sa lumang bersyon ng listahang inilabas noong isang taon, inilagay sa kasalukuyang listahan ang 127 bagong aytem, at may pagbabago sa 88 aytem.

 

Ang mga proyektong may pamumuhunang dayuhan na kabilang sa mga industriya sa listahan ay bibigyan ng mga patakarang preperensyal na gaya ng pagbabawas ng mga buwis at iba pa.

 

Sa karaniwan, ang naturang listahan ay binabago tuwing 3 hanggang 5 taon. Pero, ang kasalukuyang pagpapalit ay isinagawa sa loob lang ng isang taon.

 

Ito ay mahalagang hakbangin para ibayo pang pasulungin ang pamumuhunang dayuhan, at igarantiya ang katatagan ng industrial chain at supply chain, ayon sa may kinalamang opisyal na Tsino.

Please select the login method