Sa regular na preskon nitong Miyerkules, Disyembre 9, 2020, sinabi ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinakikita ng maraming sarbey kamakailan na optimistiko ang mga kompanyang dayuhan sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pamilihang Tsino.
Aniya, magkakasunod nilang inihayag ang kahadaang dagdagan ang pamumuhunan sa Tsina, at ito ay kanilang boto ng kompiyansa sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at kapaligirang pangnegosyo ng bansa.
Inilabas nitong Martes ng British Chamber of Commerce sa Tsina ang British Enterprises in China: Sentiment Survey 2020-2021.
Ipinakikita ng nasabing ulat na kahit ibinunga ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang maraming hamon, mabilis na bumabangon ang kabuhayang Tsino, at ang Tsina ay nananatili pa ring masusing destinasyon ng pamumuhunan ng mga kompanyang Britaniko sa taong 2021.
Salin: Vera