Ayon sa patalastas na inilabas kahapon, Huwebes, ika-17 ng Disyembre 2020, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at China Banking and Insurance Regulatory Commission, buong sikap na palalawakin ng Tsina ang mga tulong na pinansyal sa mga pangunahing kompanyang may dayuhang puhunan na apektado ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Tinukoy ng naturang dalawang kagawaran, na dapat pantay-pantay na ilakip ang mga kompanyang may puhunang dayuhan sa mga financing program na tinatanggap ng mga kompanyang Tsino.
Ayon pa rin sa patalastas, bibigyan ng People's Bank of China ng 1.5 trilyong yuan na re-lending at rediscount quota ang mga kompanyang pinamumuhunanan ng dayuhan.
Ipagkakaloob din ng Export-Import Bank of China ang bagong pautang na nagkakahalaga ng 570 bilyong yuan, para suportahan ang mga kuwalipikadong kompanyang ito.
Salin: Liu Kai
Tsina, makakapagbigay ng mas malaking ambag para sa katatagan at kasaganaan ng post-pandemic world
5 COVID-19 vaccine ng Tsina, sumasailalim sa phase III clinical trial
Hubei, ipinagkaloob ang mga materyal na medikal sa Myanmar para sa paglaban sa COVID-19
Bakuna ng COVID-19 na idinebelop ng Sinopharm ng Tsina, opisyal nang inirehistro sa UAE