Indonesia, pansamantalang ipagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa mula Enero 1 hanggang Enero 14

2020-12-29 15:17:05  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Lunes, Disyembre 28, 2020 ng pamahalaan ng Indonesia na dahil sa paglitaw ng mas madaling kumakalat na mutasyon ng coronavirus, mula Enero 1 hanggang Enero 14, 2021, pansamantalang ipagbabawal ang pagpasok sa bansa ng lahat ng mga dayuhan.
 

Ang mga mataas na opisyal ay pahihintulutang bumisita sa Indonesia, sa kondisyon ng mahigpit na pagsunod sa mga regulasyong pangkalusugan.
 

Ayon sa datos ng National Disaster Management Agency ng Indonesia nitong Lunes, 719,219 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa, at 21,452 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Salin: Vera

Please select the login method