Ministring Panlabas ng Tsina: pagkakaroon ng hadlang ng talastasan ng Tsina at Europa sa kasunduan sa pamumuhunan, pekeng balita

2020-12-25 15:28:26  CMG
Share with:

Sinabi dito sa Beijing nitong Huwebes, Disyembre 24, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, maalwang sumusulong ang talastasan ng Tsina at Europa hinggil sa kasunduan sa pamumuhunan.
 

Kaugnay ng ulat na sumadlak sa deadlock ang talastasan dahil sa pagharap ng panig Tsino ng pag-asang mamumuhunan sa nuclear power station ng Unyong Europeo (EU), sinabi ni Wang na ito ay pekeng balita.
 

Aniya, ang nasabing kasunduan ay makakabuti sa kapuwa panig, makakapagpasulong sa liberalisasyon ng kalakalan at pasilitasyon ng pamumuhunan ng Tsina at Europa, at makakatulong sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng magkabilang panig.
 

Salin: Vera

Please select the login method