Kalakalang Sino-Europeo, mabilis na umuunlad

2020-12-05 14:59:31  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Biyernes, Disyembre 4, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mabilis na pag-unlad ng kalakalang Sino-Europeo ay malakas na nakakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng dalawang panig, at nakakapaghatid ng napakalaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

 

Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Departamento ng Estadistika ng Unyong Europeo (EU), noong nagdaang 3 kuwarter ng kasalukuyang taon, pinalitan ng Tsina ang Amerika bilang  pinakamalaking trade partner ng EU.

 

Ayon sa datos, mula Enero hanggang Setyembre, umabot sa 425.5 bilyong Euro ang halaga ng kalakalang Sino-Europeo na nalampasan  ang halaga ng kalakalang Europeo-Amerikano na nasa 412.5 bilyong Euro.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method