Sa virtual meeting na ginanap sa Beijing nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 30, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Presidente Charles Michel ng European Council, at Presidente Ursula von der Leyen ng European Commission, ipinagdiinan ni Xi na ang kasunduang pampamumuhunan ng Tsina at Europa ay malakas na makakapagpasigla sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig sa post-pandemic era.
Aniya, ito rin ay makakapagpasulong ng kalakalang pandaigdig, magpapasigla sa liberalisasyon at pagpapaginhawa ng pamumuhunan, at makakapagpalakas sa kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa globalisasyong pangkabuhayan at malayang kalakalan - bagay na makakapagbigay ng mahalagang ambag para sa pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio