Wang Yi, isinalaysay ang situwasyong pandaidig at gawaing diplomatiko ng Tsina noong 2020

2021-01-02 14:39:57  CMG
Share with:

Wang Yi, isinalaysay ang situwasyong pandaidig at gawaing diplomatiko ng Tsina noong 2020_fororder_20210102WangYi550

Sa isang panayam kamakailan ng China Media Group (CMG), isinalaysay ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang situwasyong pandaigdig at gawaing diplomatiko ng Tsina noong isang taon.

 

Kaugnay ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinahayag ni Wang na sa harap ng pandemiyang ito, buong sikap na naglilingkod ang Ministring Panlabas sa gawain ng pakikibaka laban sa pandemiya at pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon sa loob ng bansa, at aktibong isinasagawa ang proteksyon at gawaing panaklolo sa mga mamamayan sa ibang bansa.

 

Sinabi ni Wang na aktibong nakikilahok ang Tsina sa pandaigdigang kooperasyong sa paglaban sa pandemiya.

 

Kaugnay naman ng pangangalaga sa kapakanang pang-estado, ipinahayag ni Wang na buong tindi at rasyonal na tinututulan ng panig Tsino ang walang-katuwirang pag-atake at pagpigil ng panig Amerikano.

 

Ani Wang, sa mga isyung may kaugnayan sa Taiwan, Hong Kong, Xinjiang, Tibet, at iba pa, isinasagawa ng panig Tsino ang makatuwiran at napapanahong labanan, bagay na puwersang napangalagaan ang soberanya, dignidad ng nasyon, at karapatan at kapakanang pangestado ng bansa.

 

Salin: Lito

Please select the login method