Sa kanyang talumpating pambagong taon nitong Biyernes, Enero 1, 2020, muling nanawagan si Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group, sa ilang medyang kanluranin na iwasto ang pagkiling at pagpipilipit sa mga ulat na may kinalaman sa Tsina.
Diin niya, nagkakaiba ang mga palagay, pero, nag-iisa lang ang katotohanan. Sa bagong taon, pananagutan ng lahat ng mga media practitioner ng daigdig na bawasan, sa abot ng makakaya, ang mga bali-balita.
Sa nasabing talumpating pambagong taon, isinalaysay ni Shen ang kalagayan ng pakikipagpalitan ng CMG sa mga pangunahing media sa daigdig noong isang taon, lalong lalo na, pagpapalitan ng impormasyon at natamong bunga sa aspekto ng pagkokober ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Tinukoy niyang ang pagsasabi ng katotohanan ang buhay ng media. Ang kapani-paniwalang impormasyon ay nagpapakita ng tungkulin at kahusayan ng media.
Ikinalulungkot niya ang pag-uulat ng iilang media--sa halip na katuwiran, pinananaig nila ang pagkiling; at sa halip na katotohanan, pinangingibabaw nila ang kasinungalian.
Saad ni Shen, sa bagong taon, patuloy na ipapatupad ng CMG ang responsibilidad bilang pandaigdig na pangunahing media at ito ay mananangan sa obdiyektibo at makatuwirang paninindigan para ipamalas sa mundo ang katotohanan, iparinig ang makatuwirang tinig at ipakita ang kagandahan ng iba’ t ibang sibilisasyon.
Salin: Vera