Inilabas nitong Miyerkules, Disyembre 30, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) ang mensaheng pambagong taon.
Saad niya, noong isang taon, nasaksihan ng daigdig ang pinakamabilis at pinakamalalim na reaksyon sa pandaigdigang biglaang pangyayari kaugnay ng kalusugan, at ito ay kauna-unahan sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Napakabilis aniyang inilunsad ang mga bakuna, paraan ng paggamot, kagamitan para sa diagnosis, at pagbabakuna sa lahat ng mga grupong nasa mataas na panganib.
Dagdag niya, ang mga nangyayari sa 2020 ay nagbigay ng aral at pagpapaalaala para sa taong 2021.
Sinabi niya na ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang pagdaragdag ng laang-gugulin ng mga pamahalaan para sa kalusugang pampubliko, pagkakaloob ng pondo para sa pagbabakuna sa lahat ng tao, at lubos na paghahanda, upang pigilan at harapin ang susunod na di-maiiwasang pandemiya.
Salin: Vera