Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, nitong Sabado, ika-2 ng Enero 2021, naiulat sa Chinese mainland ang 24 na bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), na kinabibilangan ng 8 lokal na nakahawang kaso at 16 mula sa labas ng bansa.
Kabilang sa 8 lokal na kaso, 4 ang naiulat sa lalawigang Heilongjiang, 2 sa lalawigang Liaoning, 1 sa Beijing, at 1 naman sa lalawigang Hebei, ayon pa rin sa naturang komisyon.
Walang naiulat na bagong pinaghihinalaang kaso at pagkamatay sa COVID-19, dagdag nito.
Salin: Liu Kai
22, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 8, domestikong kaso
Conditional approval, ibinigay ng Tsina sa unang sariling-debelop na bakuna kontra COVID-19
27, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 15, domestikong kaso
Tsina, lubos na pinahahalagahan ang kaligtasan at episiyensiya ng bakuna laban sa COVID-19