Kaugnay ng kawalan ng tiwala ng ilang tao sa bisa ng bakuna ng Tsina laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinabi nitong Lunes, Disyembre 28, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang kaligtasan at episiyensiya ng bakuna laban sa COVID-19, at gagawin ang ambag para sa accessibility at affordability ng bakuna.
Isinalaysay ni Zhao na isinasagawa sa maraming bansa ang Phase III clinical trails ng ilang bakuna ng Tsina, at maalwan ang progreso.
Aniya, naaprobahan na ng Tsina ang pangkagipitang paggamit o emergency vaccination sa loob ng bansa, at hanggang ngayon, walang naiulat na anumang kaso ng adverse reaction sa bakuna. Ipinakikita ng mapagkakatiwalaang pananaliksik na mas madaling iimbak at ideliber ang mga bakunang idinebelop ng Tsina, batay sa umiiral na cold-chain system, at walang karagdagang gastos sa pagdedeliber.
Dagdag ni Zhao, aktibong isasaalang-alang ng Tsina ang pagkakaloob ng bakuna sa mga umuunlad na bansa, sa pamamagitan ng maraming paraan na kinabibilangan ng donasyon at walang bayad na pagbibigay-tulong.
Salin: Vera