Conditional approval, ibinigay ng Tsina sa unang sariling-debelop na bakuna kontra COVID-19

2020-12-31 16:39:43  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Huwebes, Disyembre 31, 2020 ng National Medical Products Administration (NMPA) ng Tsina na ibinigay nito ang conditional approval para sa pagpasok sa pamilihan ng unang inactivated vaccine kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Beijing Biological Products Institute Co., Ltd., isang kompanya ng China National Biotec Group (CNBG), na tinatawag ding Sinopharm.

 

Ayon sa midterm na resulta ng phase-3 clinical trial ng naturang bakuna, 79.34% ang bisa nito laban sa COVID-19, at pasok ito sa mga pamantayan ng World Health Organization at NMPA.

 

Ayon naman sa National Health Commission ng Tsina, mula noong Hulyo ng taong ito, inaprobahan ng bansa ang pangkagipitang paggamit ng mga bakuna kontra COVID-19.

 

Anito, hanggang noong katapusan ng Nobyembre, mahigit 1.5 milyong dosis na ng mga bakunang idinebelop ng mga kompanyang Tsino ang nagamit.

 

Samantala, mula noong Disyembre 15, sinimulan din ng Tsina ang pagbabakuna sa mga pangunahing grupo ng mga mamamayan, at nitong nakalipas na 15 araw, mahigit 3 milyong dosis ang nagamit, dagdag ng komission.

 

Diin nito, batay sa kasalukuyang kalagayan ng paggamit, ligtas ang mga bakuna ng Tsina.

Please select the login method