CMG Komentaryo: Pagkansela ng NYSE sa pag-delist ng mga kompanyang Tsino, paggalang sa mga prinsipyo ng pamilihan

2021-01-06 17:31:22  CMG
Share with:

Ipinahayag ng New York Stock Exchange (NYSE) na hindi nito ide-delist ang 3 Chinese telecom corporations.

 

Ito ay aksyon ng paggalang sa pangangasiwa alinsunod sa batas, at ang mga prinsipyo ng pamilihan.

 

Umaasa ang panig Tsino na makakagawa ang panig Amerikano ng mas maraming bagay na nangangalaga sa kaayusan ng pandaigdigang pamilihang pinansiyal at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamumuhunan, at nakakabuti sa matatag na paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

 

Nauna rito, ipinahayag din ng panig Tsino ang buong tinding pagtutol sa pagsasapulitika ng panig Amerikano sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.

 

Nagmamalabis ng puwersang pang-estado ang panig Amerikano, nagpapalawak ng konsepto ng pambansang seguridad, at walang batayang pinipigil ang mga kompayang Tsino.

 

ito ay grabeng lumalabag sa prinsipyo ng kompetisyon ng pamilihan at pandaigdigang regulasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na laging ginagamit sa panggigipit ng panig Amerikano.

 

Salin: Lito

Please select the login method