Nilagdaan kamakailan ng lider ng Amerika ang umano’y “Tibetan Policy and Support Act of 2020,” kung saan dinudungisan ng ilang pulitiko ang patakarang pangnasyonalidad at panrelihiyon ng pamahalaang Tsino, nakikialam sa normal na kaayusan ng reincarnation ng Buddha ng Tibetanong Budismo, at nagtatangkang sirain ang kasaganaan at katatagan ng Tibet.
Ang isyu ng Tibet ay mahalagang isyung pamprinsipyo na may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Ang “Tibet card” ng mga pulitikong Amerikano ay malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at ito ay basurang papel.
Sapul nang isinagawa ng Tibet ang demokratikong reporma noong 1959, nagsisilbing may-ari ng Tibet ang milyung-milyong busabos. Sa kasalukuyan, sa ilalim ng puspusang pagkatig ng pamahalaang sentral, pumasok na sa pinakamagandang panahon ng pag-unlad sa kasaysayan ang Tibet.
Nitong nakalipas na mahigit 20 taon, naisakatuparan ng regional gross product ng Tibet ang double-digit na paglaki; tumaas sa halos 3.5 milyon ang populasyon doon noong 2018, mula mga 1.2 milyon noong 1959, at kabilang dito, ang proporsyon ng mga Tibetano ay lumampas sa 90% ng kabuuang populasyon; tumaas naman sa 70.6 taon ang karaniwang life expectancy o haba ng buhay ng mga tao.
Noong 2020, nakahulagpos na sa karalitaan ang lahat ng mga mahirap na county sa buong Tibet, at napawi ang absolute poverty.
Tulad ng pagtasa ni Chris D. Nebe, Direktor ng dokumentaryo ng Hollywood na pinamagatang “Tibet: The Truth,” sa kasalukuyan, malinaw na bumuti ang kabuhayan, pamumuhay ng mga mamamayan, imprastruktura at edukasyon sa Tibet, at pinangangalagaan at iginagalang din ang kultura at mga aktibidad na panrelihyon.
Salin: Vera