Ilang Chinese APP, ipagbabawal ng Amerika: pahayag ng Tsina, ito’y makakasama sa sarili at kapakanan ng ibang bansa

2021-01-07 16:10:41  CMG
Share with:

Kaugnay ng plano ng Amerika na i-ban ang 8 Chinese application (APP) na gaya ng Alipay, sinabi nitong Miyerkules, Enero 6, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay isa na namang halimbawa ng hegemonismo ng Amerika.
 

Hindi aniya makakabuti ito sa sariling kapakanan at kapakanan ng ibang bansa.
 

Tinukoy ni Hua na ang kaukulang hakbangin ng panig Amerikano ay siguradong magbubunsod ng ilang epekto sa mga kaukulang kompanyang Tsino, pero binigyang-diin niyang posibleng makapinsala rin ito sa interes ng mga mamimiling Amerikano at kapakanan ng Amerika.
 

Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na totohanang sundin ang mga alituntunin ng kabuhaya’t kalakalang pandaigdig, at ipagkaloob ang bukas, patas, makatarungan at walang pagtatanging kapaligirang pampamumuhunan at pamamalakad sa mga kompanya ng iba’t ibang bansa, na kinabibilangan ng mga kompanyang Tsino.
 

Salin: Vera

Please select the login method