Pag-delist ng New York Stock Exchange sa mga kompanyang Tsino, di itinuloy

2021-01-06 14:06:21  CMG
Share with:

Ipinahayag ng New York Stock Exchange na hindi nito ide-delist ang 3 Chinese telecom corporations. Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Enero 5, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asa ng panig Tsino na igagalang ng panig Amerikano ang pangangasiwa alinsunod sa batas, at ang mga prinsipyo ng pamilihan.
 
Ani Hua, umaasa ang panig Tsino na makakagawa ang panig Amerikano ng mas maraming bagay na nangangalaga sa kaayusan ng pandaigdigang pamilihang pinansiyal at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamumuhunan, at nakakabuti sa matatag na paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method