Nagpulong nitong Huwebes, Enero 7, 2021 ang Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan pinakinggan ang work reports ng Standing Committee of the National People's Congress, State Council, National Committee of the Chinese People's Political Consultative Conference, Supreme People's Court at Supreme People's Procuratorate, at Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC.
Nangulo at bumigkas ng mahalagang talumpati sa nasabing pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinalalagay sa pulong na noong isang taon, buong tatag na napangalagaan ng Standing Committee of the National People's Congress, State Council, National Committee of the Chinese People's Political Consultative Conference, Supreme People's Court at Supreme People's Procuratorate, ang kapangyarihan at kolektibong pamumuno ng komite sentral ng CPC. Mataimtim nilang tinupad ang mga nagawang desisyon at pagsasaayos ng komite sentral ng CPC, bagay na nakapagbigay ng positibong ambag para sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19 at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Natamo rin nila ang mga bagong tagumpay sa mga gawain sa iba’t-ibang larangan.
Salin: Lito
Pulido: Mac