Nay Pyi Taw, Myanmar—Ginanap nitong Linggo, Enero 10, 2021 ang seremonya ng pagsisimula ng proyekto ng National Center for Disease Control and Prevention at Sentro ng Pagsasanay sa mga Doktor at Nars ng Myanmar na binibigyang-tulong ng Tsina.
Dumalo sa seremonya sina Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, at Myint Htwe, Ministro ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Chen Hai na pagkaraang itatag ang nasabing sentro, ito ay magsisilbing pinakapropesyonal at pinakamodernong sentro sa pagpigil at pagkontrol sa sakit ng Myanmar. Makakatulong din aniya ito sa konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Myanmar.
Saad naman ni Myint Htwe, ang nasabing proyekto ay isa sa mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa larangan ng kalusugan.
Ang pagpapatupad ng proyektong ito ay makakapagpasulong sa mabisang pagharap ng Myanmar sa mga biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko na kinabibilangan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ipagkakaloob ng panig Tsino ang 2 taong kooperasyong teknikal sa nasabing proyekto, at sasanayin ang mga doktor, nars at kaukulang tauhang teknikal.
Salin: Vera
Ministrong Panlabas ng Tsina, bumati para sa Ika-73 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Myanmar
Premyer ng Tsina, bumati sa Ika-73 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Myanmar
Pangulong Tsino, nagpahayag ng pagbati sa Ika-73 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Myanmar
Hubei, ipinagkaloob ang mga materyal na medikal sa Myanmar para sa paglaban sa COVID-19