Plano ng Tsina na iniharap ni Pangulong Xi Jinping sa Geneva, sumagot sa tanong ng panahon

2021-01-15 16:41:07  CMG
Share with:

Noong Enero ng 2017, dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa Geneva. Siya ang kauna-unahang kataas-taasang lider ng Tsina na bumisita doon sa bagong siglo.
 

Sa kanyang talumpati sa panahon ng nasabing biyahe, sistematikong inilahad ni Xi ang nukleong ideya ng diplomasya ng Tsina sa bagong panahon, alalaong baga’y magkasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan. Iniharap din niya ang plano ng Tsina kung paano haharapin ang mahahalagang hamong pandaigdig.
 

Ipinagdiinan ni Xi na nasa panahon ng malaking pag-unlad, malaking reporma at malaking pagsasaayos ang sangkatauhan. Upang matagumpay na harapin ang isang serye ng mahahalagang hamong pandaigdig, dapat magpunyagi ang komunidad ng daigdig sa mga aspektong gaya ng partnership, kayariang panseguridad, pag-unlad ng kabuhayan, pagpapalitan ng sibilisasyon, konstruksyong ekolohikal at iba pa, magkasamang itatag ang komunidad ng daigdig na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan at isakatuparan ang win-win situation at pagbabahagi.
 

Nang mabanggit ang hamong panseguridad na kinakaharap ng sangkatauhan, binigyang-diin ni Xi ang pagpigil at pagkontrol sa malubhang nakahahawang sakit. Tinukoy niyang ang mga epidemiya ng bird flu, Ebola, Zika virus at iba pa ay patuloy na nagbigay-babala sa pandaigdigang seguridad na pangkalusugan.
 

Aniya, dapat patingkarin ng World Health Organization (WHO) ang namumunong papel, palakasin ang pagsusuperbisa sa epidemiya at pagbabahagi ng impormasyon, karanasan at teknolohiya.
 

Sa masusing panahon ng pagpuksa ng buong mundo sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sa pamamagitan ng “cloud diplomacy,” 87 beses na nakipagtagpo o nakipag-usap ang kataas-taasang lider ng Tsina sa mga dayuhang lider at namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig. Dumalo siya sa 22 mahahalagang bilateral at multilateral na aktibidad na gaya ng World Health Assembly, espesyal na summit ng G20 hinggil sa pagharap sa pandemiya ng COVID-19 at iba pa.
 

Hanggang noong kalagitnaan ng nagdaang Disyembre, ipinagkaloob ng panig Tsino ang mahigit 200 milyong mascara, 2 bilyong protektibong kasuotan, at 800 milyong test reagent sa iba’t ibang bansa; binigyan nito ng saklolo kontra pandemiya ang mahigit 150 bansa at 10 organisasyong pandaigdig; at ipinadala ang 36 na grupong medikal sa 34 na bansang may pangangailangan.
 

Bukod dito, sumapi ang Tsina sa Vaccines Global Access (COVAX), at itinayo sa Tsina ang sentro ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa).
 

Mas maraming umuunlad na bansang gaya ng Brazil, Indonesia, Ehipto at Turkey ang nagtatamasa ng bakuna ng Tsina.
 

Ang mungkahi sa magkasamang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan ay tinatanggap at kinikilala ng parami nang paraming bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at inilakip din ito sa mahalagang dokumento ng UN. Ito rin ang sagot sa kung paanong haharapin ng daigdig ang mga hamon sa post pandemic era.
 

Salin: Vera

Please select the login method