Xi Jinping: Siguruhin ang mabuting pagsisimula ng komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang Tsina

2021-01-12 08:45:22  CMG
Share with:

Xi Jinping: Siguruhin ang mabuting pagsisimula ng komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang Tsina

 

Hiniling kahapon, Lunes, ika-11 ng Enero 2021, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na tiyakin ang mabuting pagsisimula ng komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang Tsina.

 

Winika ito ni Xi sa pulong ng pag-aaral ng Party School ng Komite Sentral ng CPC, na nilahukan ng mga mataas na opisyal na Tsino sa lebel na ministeryal at probinsyal.

 

Sinabi ni Xi, na pagkaraang isakatuparan ang pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, pumasok ang Tsina sa bagong yugto ng pag-unlad para sa komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa.

 

Hiniling niya sa mga opisyal, na unawaing mabuti ang bagong yugto ng pag-unlad, ipatupad ang mga bagong ideya sa pag-unlad, at pabilisin ang pagbuo ng bagong kayarian ng pag-unlad.

 

Layon nito aniyang itaguyod ang de-kalidad na pag-unlad sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano mula 2021 hanggang 2025, bilang garantiya sa mabuting pagsisimula ng komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method