Mahigit 10 milyong dosis ng bakuna, ginamit sa buong Tsina; episiyensiya ng bakuna, mas mataas kaysa inaasahan

2021-01-15 16:38:08  CMG
Share with:

Noong Disyembre 30, 2020, inaprobahan ang pagpasok sa pamilihan ng Tsina ng COVID-19 inactivated vaccine na idinedebelop ng China National Biotech Group (CNBG). Nauna rito, ang bakunang ito ay nakakuha ng Emergency Use Authority (EUA) sa limang bansang kinabibilangan ng Tsina, United Arab Emirates, Bahrain, Ehipto at Jordan.
 

Sa kasalukuyan, mga lider at opisyal ng pamahalaan ng mahigit 10 bansa ang nagpainiksyon ng bakuna ng CNBG. Samantala, iniharap ng mahigit 50 bansa ang pangangailangan sa pagbili.
 

Sa loob ng Tsina, lampas sa 10 milyong dosis ng bakuna ng CNBG kontra COVID-19 ang itinurok sa mga high-risk groups sa buong bansa, at walang naiulat na anumang kaso ng adverse reaction sa bakuna.
 

Bilang isang bagong uri ng bakuna, kailangang tuluy-tuloy na obserbahan nang mas mahabang panahon ang tagal at bisa ng imunity ng bakuna kontra coronavirus. Batay sa umiiral na datos, ang episiyensiya ng bakuna ng CNBG ay mas mataas kaysa inasahang target ng clinical trial.
 

Hanggang noong katapusan ng 2020, halos 100 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 ng CNBG ang iniprodyus. Tinayang lalampas sa isang bilyong dosis ang production capacity sa taong 2021.
 

Salin: Vera

Please select the login method