Ministro ng kalusugan ng Turkey, nagpa-iniksyon ng bakunang Tsino kontra COVID-19

2021-01-14 14:58:32  CMG
Share with:

Ministro ng kalusugan ng Turkey, nagpa-iniksyon ng bakunang Tsino kontra COVID-19_fororder_20200114Turkey1

Nagpa-iniksyon nitong Miyerkules, Enero 13, 2021 ng bakunang idinebelop ng Sinovac ng Tsina kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si Fahrettin Koca, Ministro ng Kalusugan ng Turkey, habang live na isinasahimpapawid sa telebisyon ang buong proseso.
 

Bukod sa kanya, nagpa-iniksyon din ng bakunang Tsino ang mga miyembro ng siyetipikong komisyon ng Turkey sa pagharap sa pandemiya ng COVID-19.
 

Sa news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Koca na ligtas ang bakunang Tsino.
 

Aniya pa, sisimulan ang pag-i-iniksyon ng bakunang Tsino sa mga doktor at nars ng buong bansa ngayong araw, Huwebes, Enero 14, 2021.
 

Ang bakuna ng Sinovac ang unang bakuna kontra COVID-19 na may Emergency Use Authority (EUA) ng Turkey.
 

Salin: Vera

Please select the login method