Pagdalaw ni Wang Yi sa Indonesia, makakapagpasulong sa mas malaking pag-unlad ng bilateral na relasyon sa post-COVID era

2021-01-15 14:12:13  CMG
Share with:

Kaugnay ng katatapos na pagdalaw sa Indonesia ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, isinalaysay nitong Huwebes, Enero 14, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na narating ng kapuwa panig ang mga komong palagay sa mga aspektong kinabibilangan ng magkakapit-bisig na paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, pagpapasulong sa kooperasyong panrehiyon ng Silangang Asya, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at magkasamang pagtatanggol at pagpapasulong ng  multilateralismo.
 

Saad ni Zhao, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Indonesian, na ipatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, gawing pangunahing tungkulin ang magkasamang pagpuksa sa pandemiya at kooperasyong pangkaunlaran, at pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng bilateral na relasyon sa post-COVID era.
 

Salin: Vera

Please select the login method