Pwede nang gamitin sa Indonesia ang CoronaVac. Ayon sa Administrasyon ng Pagsuperbisa at Pamamahala sa Droga at Pagkain ng Indonesia na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang CoronaVac, COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac ng Tsina, ayon sa pahayag nitong Lunes, Enero 11, 2021.
Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng pahintulot ang Indonesia sa paggamit ng bakuna ng COVID-19.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Penny Lukito, puno ng nasabing administrasyong Indones, na natapos na sa Bandung ang Phase III clinical trial ng nasabing bakuna, at mahigit 50% ang bisa nito na mas mataas sa tadhana ng World Health Organization (WHO).
Salin: Lito
Pulido: Mac