Kasalukuyang pinagbabayaran ng Amerika ang napakalaking pinsalang ekonomiko na dulot ng inilunsad na trade war ni Pangulong Donald Trump sa Tsina.
Ayon sa isang pananaliksik ng Oxford Economic, dahil sa alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika, nawala ngayon sa Amerika ang 245 libong trabaho.
Ngunit, kung unti-unting kakanselahin ng dalawang bansa ang patakaran ng pagdaragdag ng taripa at pasusulungin ang kanilang bilateral na kalakalan, hanggang taong 2025, mabibigyan ng 145 libong bagong trabaho ang Amerika.
Ayon sa pagtaya ng datos ng Oxford Economic, kung magpapatuloy ang trade war sa pagitan ng Tsina at Amerika, hanggang taong 2022, mawawala ang 732 libong trabaho sa Amerika. Higit pa rito, hanggang taong 2025, 320 libo pang trabaho ang mawawala rin.
Salin: Lito
Pulido: Mac