Unang public cultural dissemination base ng CMG, bukas na

2021-01-19 14:55:05  CMG
Share with:

Unang public cultural dissemination base ng CMG, bukas na_fororder_20210119CMG550

Nitong Lunes, Enero 18, 2021, pormal na binuksan ang unang batch ng base ng pagpapalaganap ng pampublikong kultura na magkasanib na itinaguyod at itinatag ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng Distritong Mentougou ng lunsod ng Beijing.
 
Dumalo sa aktibidad si Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Tsina at Presidente ng CMG. Ibinigay din ng CMG ang mga kagamitang audio at video  production at mga aklat, audio at video materials sa nasabing base.
 
Kalahok din sa aktibidad ang mga pangunahing opisyal ng pamahalaan ng Mentougou, at mga puno ng kaukulang departamento ng CMG.
 
Ang pagtatatag ng nasabing base ay konkretong hakbang ng malalimang pagpapatupad ng mahalagang instruksyon ni Pangulong Xi Jinping tungkol sa pagpapataas ng lebel ng serbisyo ng pampublikong kultura. Ito rin ay mahalagang praktis ng pagpapatingkad ng bentahe ng mga plataporma at pagsasabalikat ng responsibilidad ng CMG.
 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method