Xi Jinping: Kayabangan, pagtatangi, at pagkamuhi, tunog ng kampana ng babala

2021-01-26 10:20:56  CMG
Share with:

Sa talumpating binigkas nitong Lunes, Enero 24, 2021, sa pamamagitan ng video link sa Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na tunog ng kampana ng babala ang kayabangan, pagtatangi, at pagkamuhi, sa halip na pagkakaiba.

 

Nagbabala siya laban sa pagtatangka na patawan ng herarkiya ang sibilisasyon ng sangkatauhan o ipilit sa iba ang sariling kasaysayan, kultura at sistemang panlipunan.

 

"Dapat pasulungin ng iba't ibang bansa ang mapayapang pakikipamuhayan, pagpapalitan, at pag-aaral sa isa't isa, batay sa paggalang sa kapwa, pagdaragdag ng mga komong palagay, at pagsasaisang-tabi ng mga pagkakaiba,” sinabi rin ni Xi.

 

Ito ang paraan upang magbigay-sigla sa pag-unlad ng sibilisasyon ng tao, dagdag niya.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method